Myspace Lover Letter
The Knight in Shining Armor's Damsel in Distress, "I Love You"
The Knight in Shining Armor's Damsel in Distress
“I Love You”

Let me rant about this one simple phrase: I Love You. :)

Ok guys. Walang panira ng trip ah. This is my OWN opinion about this matter. If you like it, then like it.. If you despise it, oh well. Kanya kanyang opinion yan.

Ang aking mga kaibigan ay kasing edad ko lang. 16 years old or somewhere between 13 above. We all know that, we can experience the dawning of the “Spring” during our teen years. Pero sa totoo lang, may gusto lang akong sabihin.

Hindi ko alam ang rason bakit ang mga tao ngayon ay napakadali sabihin ng mga katagang, I LOVE YOU.

Saken, kahit na gano kasama pa ang mga mura na sinasabi mo. Kahit gano ka pa kademonyitong tao, all I know is that, pag IKAW mismo eh sinabi ang I LOVE YOU, then it is whole new different story.

Ako ay isang incoming Freshman College student ngaung June. Oo. Inaamin ko. Madame akong mga kaibigan (girl man yan or boy), na nagsasabi saken ng ILOVEYOU. Lalo na kapag nag tha-thank you sila ng sandamakmak. I can’t help but wonder, why on earth do people give away the most beautiful phrase in the world so easily.?

Para sa akin, ang salitang I LOVE YOU ay napaka sagrado. Sacred siya in all aspects. Kasi nga, pag nagsabi ka ng ILOVEYOU sa isang tao, kaya mong baguhin ang buong pagkatao niya. Kapag nuknukan siya ng masama, shempre, ang kahinaan din nia ay ang magkaroon ng taong magmamahal sa kanya ng lubusan. Kaya nga ako, ndi ako nagsasabi ng ILOVEYOU sa mga kaibigan ko ng ganun ganun lang. Kapag nagsasabi sila saken ng I Love You, magsasabi lang ako ng THANK YOU. I won’t say “I Love you, too”. Kasi, gusto ko, sa taong mamahalin ko ng buong buhay ko lamang iaalay ang salitang yun. Sa aming pamilya, tanging sa mommy at daddy ko lang sinasabi ang I Love You. Sa mga lola, lolo, pinsan, aunts and uncles, ndi ako nagsasabi nun. Ewan ko ba kung bakit. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko sila.

Nakita niyo kung gano kalakas saken ang impact ng salitang “I Love You”.? You may say this as a nonsensical note or what pero I do believe that the words, I Love You, is what every millions of people would die for.

  1. nicaanime04 posted this